Pages

Tuesday, May 06, 2014

Pagpapaalala ng HRP Boracay sa mga turista kaugnay sa mga ordinansa sa isla, ‘ok’ sa LGU Malay

Posted May 6, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

‘Ok’ sa LGU Malay ang pagpapaalala ng HRP Boracay sa mga turista kaugnay sa mga ordinansa sa isla.

Tumulong kasi ang Simbahang Katoliko sa isla na paalalahanan ang mga nasabing turista na bawal ang paninigarilyo, pagdala ng pagkain at alak sa dalampasigan ng Boracay.

Ayon naman kay Boracay Island Administrator Glenn Sacapaño, nararapat nga na tumulong ang lahat ng nandito sa isla upang masolusyunan partikular ang problema sa basura na dulot naman ng mga events dito nitong nakaraang weekend.

Samantala, humingi naman ng paumanhin si Sacapaño sa lahat dahil sa mga naiwang basura katulad ng upos ng sigarilyo, bote ng alak at iba pang basura nitong nakaraang long weekend at kasagsagan ng LaBoracay Day.

Sinabi pa nito na kanilang kakausapin ang mga event organizers sa isla upang hindi na maulit ang pagkalat ng mga basura sa dalampasigan.

Maalaalang ikinadismaya din ng HRP Boracay ang mga nagkalat na basura dahilan upang magpaalala ito sa mga turista na dapat maging makakalikasan at mapagmahal sa Boracay.

No comments:

Post a Comment