Pages

Sunday, May 11, 2014

Paglagay ng adbokasiya ng Boracay sa billboards ng mga advertisers, nasa plano na ng Pamahalaang Probinsya ng Aklan

Posted May 11, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Inaasahang mas marami nang mga turista ang makakaalam sa mga ipinapatupad na ordinansa sa Boracay.

Nasa plano na kasi ngayon ng Pamahalaang Probinsya ng Aklan ang paglagay ng mga adbokasiya ng Boracay sa billboards ng mga advertisers sa Caticlan at Cagban Ports.

Ito ang sinabi ni Jetty Port Administrator Niven Maquirang kaugnay sa hindi inaasahang pagdagsa ng mga turista nitong nakaraang long weekend at LaBoracay na nagresulta sa pagkalat ng mga basura sa dalampasigan.

Aminado rin kasi itong may mga dapat pang idagdag at ayusin sa Caticlan Jetty Port upang mapaalalahanan ang mga turista sa mga ipinapatupad na batas sa isla.

Ayon pa kay Maquirang, ¼ ng size o laki ng billboards ang ilalaan para sa mga tinatawag na “Do’s and Don’ts” sa Boracay ang kalakip ng advertisements o patalastas.

Samantala, sinabi din ni Maquirang na nakahandang sumuporta sa anumang adbokasiya ng Boracay ang pamahalaang probinsya ng Aklan.

No comments:

Post a Comment