Pages

Wednesday, May 07, 2014

Mga traysikel drayber sa Boracay, dapat na magserbisyo sa mga turista ayon sa LGU Malay

Posted May 6, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Dapat na magserbisyo sa mga turista ang mga traysikel drayber sa Boracay.

Ito ang paalala ni Boracay Island Administor Glenn SacapaƱo kasabay ng pagdagsa ng mga turista nitong nakaraang Long Weekend na naging dahilan upang kanselahin ang ipinapatupad na color coding sa mga traysikel.

Ayon kay SacapaƱo, patunay umano ito na talagang tumaas ang tourist arrival sa isla dahil kinulang ng traysikel sa Cagban Port.

Maliban dito, malaki din umano ang kinita ng mga nasabing drayber kung kaya’t dapat din silang magpasalamat sa LGU Malay na tinanggal ang color coding.

Samantala, marami paring mga residente sa Boracay ang nagrereklamo dahil sa pamimili ng pasahero ng ilan sa mga nasabing drayber, sa kabila ng parehong dilaw at blue na traysikel na ang kasalukuyang namamasada sa isla.

3 comments:

  1. Mr. Sacapano...mawalang galang na po, pero sa aking pananaw ay dapat silang magserbisyo sa pasahero-turista man ito o lokal na naninirahan at nagtatrabaho sa isla.

    Talamak na ang problema sa isla...at mawalang galang na po ulit, hindi makatutulong ang mga taong bantad na sa mga maling sistema at pinapalala pa ng kamangmangan.

    ReplyDelete
  2. para sa kaalaman n Mr. Sacapano at ng LGU Malay, ang dahilan kung bakit kukunti ang mga tricycle sa panahon ng peak season ay dahil sa dito lng sila pabalik balik balabag upang magserbisyo sa chartered cost, itong mga driver na swapang sa kita ang dapat desiplinahin at bigyan ng karampatang parusa sa mga namimili ng pasahero, isa ring dahilan ang kong bakit masikip ang trapiko sa dmall area dahil jan sila nag yu-u-turn at pabalik balik lang. Sana ay nakita ito ng ating kaukulan at nagpapatupad ng batas sa kalsada.

    ReplyDelete