Pages

Monday, May 19, 2014

Mga silid-aralan sa Boracay National High School, nilinis at muling pininturahan sa unang araw ng Brigada Eskwela

Posted May 19, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Inaasahang matutuwa ang mga mag-aaral ng Boracay National High School sa kanilang pagbabalik-eskwela sa darating na pasukan sa Hunyo.

Nilinis kasi at muling pininturahan ang mga silid-aralan doon sa pagsisimula ng Brigada Eskwela ngayong araw.

Hawak ang mga walis at pamunas, pinagtulungang linisin ng mga magulang, mga guro ng BNHS o Boracay National High Shool, at mga volunteers ang mga bintana, upuan, at paligid ng nasabing eskwelahan.

Pinagtulungan din ng mga taga Boracay PNP at PARDSS o Public Assistance for Rescue, Disaster and Support Service na akyatin, linisin at pinturahan ang mataas na bahagi ng mga silid-aralan.

Ayon kay Brigada Eskwela Coordinator at Balabag Elementary School Adviser Laarni Casidsid, labis ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga tumulong sa unang araw ng Brigada-Eskwela.

Samantala, nanawagan din ito sa lahat ng mga nais tumulong upang maging handa ang eskwelahan pagdating ng pasukan.

Maliban sa mga taga Boracay PNP, nakilahok din sa Brigada-Eskwela ang mga taga Boracay Water, ilang opisyal ng Barangay Balabag, at YES FM Boracay.

Magtatapos naman ang Brigada-Eskwela sa darating na araw ng Sabado.

No comments:

Post a Comment