Pages

Wednesday, May 14, 2014

Mga E-Trike Drivers sa Boracay, pinaalalahanan hinggil sa unloading ng mga pasahero

Posted May 14, 2014 as of 6:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Pinaalalahanan ngayon ni E-Trike Program In Charge Dante Pagsugiron ang mga E-Trike Drivers hinggil sa unloading o pagbaba ng mga pasahero ng E-Trike.

Ito’y kaugnay sa ilang mga concerns na ipinaabot ng mga vehicle drivers at taong nakapuna sa pagbaba ng mga pasahero.

Ilan umano kasi sa mga pasahero ay basta nalang bumababa kahit na may paparating na sasakyan kaya minsan nagrereklamo ang ilang vehicle drivers na posibleng magdulot ito ng disgrasya.

Ang E-Trike kasi ay may babaan na pwedeng sa kaliwa at sa kanan ka dumaan.

Dahil dito, sinabi ni Pagsugiron na nasa E-Trike driver na rin umano mismo ang responsibilidad na magpaalala sa pasahero kung saan dapat dumaan at bumaba.

Samantala, nagpapasalamat naman si Pagsuguiron na naiparating sa kanya ang nasabing concern.

Anya, maghahanap na rin sya ng mga solusyon at mga maaaring hakbang upang maresolba ang nasabing problema.

1 comment:

  1. Why only e-trikes??? what about those delivery trucks, private multicabs, delivery multicabs, delivery top down trikes that always occupying both lanes (double parking) that causes terrible traffic in the street??! why these authorities dont put serious attention to discipline these #1 street violators in the island??!

    ReplyDelete