Pages

Tuesday, May 13, 2014

Expansion ng Boracay Hospital, “On-Going” parin

Posted May 13, 2014 as of 12:00nn
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

“On-Going” parin ang expansion ng Boracay Hospital.

Ito ang sinabi ni Engr. III Lou Sta. Maria ng Provincial Health Office (PHO) Aklan.

Anya, ang pag-a-upgrade ng mga ospital sa probinsya ng Aklan ay bahagi ng Health Facilities Enhancement Program ng Department of Health (DOH) kung saan adbokasiya nitong gawing mas komportable ang mga pasyente sa ospital.

Samantala, nabatid na ang expansion ng Don Ciriaco S. Tirol Memorial Hospital  o mas kilala sa tawag na Boracay Hospital ay napagplanohang palalakihin at gagawing tatlong palapag kasama na ang paglalagay ng elevator para dito.

Ayon pa kay Engr. Sta. Maria, naglaan ng 40 milyon pesos ang DOH para sa nasabing construction kung saan suportado naman ng LGU Malay.

Una na ring sinabi ng PHO Aklan na magiging isang magandang hospital ang  Boracay hospital dahil sa maglalagay ang DOH ng mga equipment para sa iba’t-ibang operasyon ng mga magpapagamot.

Kabilang rin dito ang pagdadagdag ng staff para lalong mabigyang pansin ang mga pasyente hindi lamang ng mga taga Boracay kundi maging ang mga turista.

No comments:

Post a Comment