Pages

Wednesday, May 28, 2014

Dating myembro ng Philippine Army na nahulihan ng baril sa Boracay, dinala na sa bayan ng Kalibo

Posted May 28, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 ang dating myembro ng Philippine Army matapos na mahulihan ng baril sa Boracay.

Nabatid sa report ng Boracay PNP Station na naaresto ng mga pulis si TSGT Jose Gomez, 54 anyos ng Sebaste Antique kahapon ng hapon sa Boraland Cargoes Port Manoc-manoc Boracay.

Ayon sa blotter ng Boracay PNP, nagkakaroon ang tatlong pulis ng surveillance operation sa nasabing lugar hinggil sa balitang mayroong contraband galing Caticlan Malay na ilulusot sa isla ng Boracay.

Ilang minuto ang nakalipas nang mapansin ng mga pulis si Gomez na tila may nakasukbit na baril sa baywang kaya’t kaagad umano itong tinanong kung may baril nga itong dala.

Bagay na pinatotohanan naman ng dating sundalo at dahil sa wala itong kaukulang dokumento ay kinumpiska ng mga pulis.

Subalit tumanggi umano ito, kung saan humantong pa sa agawan dahilan upang rumesponde ang nasa anim pang mga pulis.

Matapos na maaresto ay nasa bayan naman ngayon ng Kalibo ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso.

No comments:

Post a Comment