Pages

Tuesday, May 20, 2014

BLTMPC, magdadagdag pa ng mga multicabs sa Boracay

Posted May 20, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Magdadagdag pa ng mga multicabs sa Boracay ang Boracay Land Transport Multi Purpose Cooperative (BLTMPC).

Ayon kasi kay BLTMPC General Manager Ryan Tubi, kulang parin ang idinagdag nilang 12 unit nito lamang nakaraang buwan ng Pebrero, kung kaya’t magdadagdag pa umano sila ng limang multicabs at limang air conditioned unit na multicabs.

Samantala, sinabi din nito na tinanggal na ang “color coding” sa mga tricycle nitong May 11 at balik na ulit sa normal ang schedule nito.

Magugunitang nagkaroon ng temporary suspension ang “color coding” ng mga tricycle sa Boracay noong La Boracay Day at Long Weekend, dahil sa kakulangan ng mga tricycle.

Ito rin umano ang isa sa dahilan kung bakit sila magdadagdag ng mga unit ng multicabs.

Muli naman nitong ipinaalala sa mga drivers at iba pang motorista sa isla na sundin ang mga ipinapatupad na ordinansa ng lokal na pamahalaan ng Malay.

3 comments:

  1. may electric pa ba daw ba idadagdag??kulang pa yata yung mga sasakyan sa boracay,nakakainis ang trapik,may nakabalandra na motor sa gilid ng kalsada,may sidecar na di padyak,may mga pasaway na motor sa tabi kala mo kanila na kalsada,bali wala lang kahit nakikita nila na sila nakapag trapik,may mga cargoes sa talipapa naka harang,may naglalakad na patay malisya lang sa daan,,ano ba yan??dapat may nagroronda ng mga ganyan,dati akong driver dati dito,,lalo sa may ambolong,may sasalubong sayo kahit paarangkada kana,may pasaway na pumparking sa gilid,,walang paki alam,,hay naku.dmall na yan mga van lang naman nag ko cause ng trapik dyan,,bakit ba ayaw malipat lipat pag loloading nila dyan,,lalo pag nagsabay sila darating naku sarap araruhin.hahaha pero totoo po yan mga sinabi ko kahit sino mag observe,gud day po sa inyo..



    ReplyDelete
  2. I like it was I was a baby

    ReplyDelete