Pages

Monday, April 28, 2014

(Update) Binaril na Asst. Manager ng nasunog na bangko sa Ibajay, Aklan nitong Biyernes, negatibo sa gunpowder

Posted April 28, 2014 as of 10:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Negatibo sa gunpowder ang binaril na Asst. Manager ng nasunog na bangko sa Ibajay Aklan nitong Biyernes.

Ito ang kinumpirma ni Chief Superintendent Georby Manuel ng Aklan Provincial Scene of the Crime Operatives (SOCO) kaugnay ng isinagawang post-mortem and autopsy examinations sa bangkay ng 68 anyos na biktimang si Gabriel Manican.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Manuel na ang lumabas na resulta ay nagsasabing hindi nagbaril sa sarili ang biktima.

Matatandaang unang napaulat na nabaril si Manican nitong Biyernes, (Abril 25) kung saan nagtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib.

Ayon sa pagsusuri ng mga otoridad, biktima si Manikan ng “foul play” kung saan nalaman din ng mga rumespondeng fire officer sa lugar na bahagyang nasira ang linya ng isang cable company doon.

Nabatid rin na nasa 26 na mga ebidensya ang nakuha ng mga otoridad.

Samantala, ayon naman kay Deputy Chief SPO3 Cezar Igtanloc ng Ibajay Police Station, kasalukuyan pa rin sa ngayong nere-retrieve ang video footages sa hard drive ng CCTV camera ng bangko.

Ayon pa kay Igtanloc nasa mahigit isang milyong piso ang naibalik ng pulisya sa General Manager ng bangko subalit nasa isang daang libong piso parin ang nawawala dito.

Gayunpaman, kasalukuyang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nangyaring krimen.

No comments:

Post a Comment