Pages

Wednesday, April 09, 2014

Tabon Port sa Caticlan, hinahanda na para sa habagat Season

Posted April 9, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Inihahanda na ng Lokal na Pamahalaan ng Malay ang Tabon Port Sa Brgy. Catclan para sa darating na habagat season.

Sa ginanap na SB Session ng Malay kahapon, napag-usapan ng mga konsehales kung ano na ang mga preparasyon ang mga ginawa ng mga kinauukulan dito.

Ayon kay Malay Liga President Abram Sualog, binibigyan na nila ito ng atensyon lalo na ang mga pasilidad sa nasabing pantalan para sa mga pasaherong dadaaan dito lalo na sa mga turista.

Nabatid na bago matapos ang taong 2013 naumpisahan ng maipagawa ang ibang pasilidad ng Tabon Port kabilang na ang nagsisilbing rampa o maliit na tulay pasakay o pababa ng mga bangka.

Matatandaang nauna ng sinabi ng LGU Malay na lalo pa nilang pagagandahin at e-u-upgrade ang terminal ng Tabon maging sa pagsasa-ayos ng Manoc-Manoc Port.

Samantala, ang nasabing pantalan ay ginagamit lamang kapag malakas ang alon sa regular na ruta ng bangka sa Caticlan at Cagban Jetty Port lalo na sa panahon ng habagat patawid ng Tambisaan Port sa Manoc-Manoc.

No comments:

Post a Comment