Pages

Friday, April 04, 2014

PHO-Aklan, nagbabala laban sa heat stroke ngayong Semana Santa

Posted April 4, 2014 as of 12:00nn
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Huwag kalilimutang magdala ng payong at bote ng tubig upang maiwasan ang heat stroke habang namamasyal o bumibisita sa simbahan.

Ito ang paalala ng Provincial Health Office (PHO) Aklan sa publiko upang maiwasan ang heat stroke, dahil sa dami ng mga taong inaasahang dadagsa sa mga simbahan ngayong panahon ng Kuwaresma.

Sinabi ni Provincial Health Officer II, Dr. Victor Sta. Maria, ng PHO Aklan.

Kailangan din itong gawin sa ganitong panahon ng bakasyon, kung saan karaniwang nagtutungo sa mga beach ang mga tao para magbilad sa init ng araw.

Samantala, payo din ng DOH na gumamit ng sun block bilang proteksiyon sa ultraviolet rays ng araw.

Ayon kay Sta. Maria, nangyayari ang heat stroke kapag ang katawan ng tao ay nakabilad ng mahabang oras sa matinding init ng araw.

Ang sintomas umano nito ay pagka-uhaw, pagkahilo, pagsusuka, masakit na ulo at low blood pressure.

Ang heat stroke ay maaaring mauwi sa pagkahimatay o seizure, na posibleng matuloy sa comatose kung hindi agad nalapatan ng lunas.

Matatandaan na nitong linggo lang ay isang Chinese National ang inatake ng heat stroke sa Boracay habang naglalakad sa front beach ng isla.

No comments:

Post a Comment