Pages

Friday, April 04, 2014

Panukalang bagong schedule ng Base Market Values, mainit na tinalakay sa public hearing kanina

Posted April 4, 2014 as of 12:00nn
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Mainit ang panahon ngayon sa isla ng Boracay.

Subali’t lalo pa itong uminit dahil sa public hearing na nagaganap ngayon kaugnay sa Proposed New Schedule of Base Market Values for 2015 General Revision.

Sa nasabing public hearing, kinuwestiyon ng mga real property owners ang itinaas ng kanilang babayarang buwis sa taong 2015.

Umaabot kasi sa 200 hanggang 300 porsiyento ang kanilang babayaran, kapag naaprobahan ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang nasabing Base Market Values.

Kaugnay nito, umapela si Boracay Foundation Inc. (BFI) President Jony Salme at ang iba pang real property owners na i-staggard o bayaran ng paunti-unti ang kanilang buwis dahil sa napakabigat nito sa kanilang panig.

Nangako naman ang SP na kanilang pag-aaralang mabuti at ikokonsidera ang hinaing ng mga nasabing tax payers.

Nabatid na umabot sa 200 hanggang 300 porsiyento ang buwis na babayaran ng mga real property owners sa Boracay at Malay, dahil pansamantalang isinantabi ng pamahalaang probinsyal sa loob ng siyam na taon ang General Revision ng Base Market Values, sanhi ng mga nagdaang kalamidad sa Aklan.

No comments:

Post a Comment