Pages

Thursday, April 03, 2014

Pag-atake ng “rabies” ngayong tag-init ikinakabahala ng PHO Aklan

Posted April 3, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ikinababahala ngayon ng Provincial Health Office o PHO Aklan ang maaaring paglaganap ng rabies ngayong panahon ng tag-init.

Ayon sa nasabing ahensya, umaatake ang rabies sa tuwing papasok ang summer kung saan nagiging iretable ang mga aso dahil sa matinding init.

Dahil dito pinaalalahanan ng PHO ang publiko lalo ang mga magulang na bantayang maigi ang kanilang mga anak na huwag hayaang makipaglaro sa mga galang aso lalo na at kung itoy parang balisa.

Isa rin sa suhestisyon ng kanilang tanggapan ay dapat na pabakunahan ang kanilang mga alagang aso para mailayo sa rabies.

Ayon pa sa PHO, sakaling makagat ng aso ang isang tao ay dapat na linising mabuti ang sugat sa pamamagitan ng tubig at sabon.

Kinakailangan din umanong bantayan ang kondisyon o kondisyon ng isang asong nangagat kung ito ba ay may rabies sa pamamagitan ng kaniyang pagiging balisa at wala sa sarili hanggang sa ito’y tuluyang mamatay.

Sakali naman umano na makagat ng aso ay dapat dalhin agad sa pinakamalapit na pagamutan para mabigyan ng agarang lunas.

Samantala sa Boracay, napakarami pa ring asong-gala na sadyang napakadelikado sa mga turista at lokal na residente ng isla.

No comments:

Post a Comment