Pages

Tuesday, April 29, 2014

Municipal Advisory Council ng BTAC, binuo na kahapon

Posted April 29, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Binuo na ng BTAC o Boracay Tourist Assistance Center ang kanilang MAC o Municipal Advisory Council kahapon.

Katunayan, nanumpa na rin pagkatapos ng isang pagpupulong ang mga miyembro nito na sina Malay Municipal Local Government Operations Officer Chief Mark Delos Reyes bilang Chairman at Hon SB Member Jupiter Aelred Gallenero bilang Vice Chairman.

Nagpahayag din ng suporta bilang miyembro ng council sina Municipal Tourism Operations Officer Chief Felix Delos Santos; Philippine Red Cross-Boracay Administrator Marlo Schönenberger; Boracay Foundation Incorporated President Dionesio Salme; Yes FM at Easy Rock Boracay Station Manager Alan Palma Sr., Yes FM Boracay News Director Malbert Dalida; Hugh Raddi Isagan ng BFRAV o Boracay Fire Rescue Ambulance Volunteers at BAG o Boracay Action Group;Island Administrator Mr Glenn Sacapano; Boracay Redevelopment Task Force Chief Mabel Bacani; atPastor Angelo Panganiban ng Boracay Grace Baptist Church.

Magugunitang pinaghandaang ng BTAC ang pagbuo ng advisory council upang makalikom ng suporta mula sa miyembro ng Local Government Unit (LGU), Stakeholder, legal counsel, Non-Government Organization (NGO) at pribadong ahensya.

Inaasahang magiging katuwang ng PNP partikular ng BTAC ang binuong konseho sa Integrated Transformation Program ng Philippine National Police sa pamamagitan ng Performance Governance System o PATROL Plan 2030.

No comments:

Post a Comment