Pages

Tuesday, April 01, 2014

MS Super Star Aquarius, dumating na ngayong umaga

Posted April 1, 2014 as of 7:00am
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Bahagyang naging masikip ang Cagban Port ngayong araw.

Kapansin-pansin din ang pag-iba ng daloy ng mga pasaherong papasok at lalabas ng isla.

Maliban dito, kapansin-pansin din ang mas mahigpit na seguridad sa nasabing pantalan, dahil sa dinobleng presensya ng police, coastguard, maritime police, at army.

Dumating na kasi ngayong umaga ang mga turistang sakay ng inaabangang MS Super Star Aquarius.

Kagaya ng inaasahan, mag-aalas 5 na kanina nang dumating ang nasabing cruise ship, na may pasaherong umaabot sa isang libo kasama na ang crew. 

Nabatid na mamamasyal ang mga pasehero ng Super Star Aquarius sa mga lugar o area of interest sa isla, katulad ng long beach, Ati Community, D’mall of Boracay, at iba pa.

Tiniyak naman ng mga otoridad ang seguridad ng mga turista hanggang sa pag-alis ng barko mamayang alas 3 ng hapon.

Samantala, umaasa naman ang pamahalaang probinsya ng Aklan na magiging masaya ang mga turista sa kanilang pagbisita sa Boracay.

No comments:

Post a Comment