Pages

Tuesday, April 29, 2014

Mga kalahok sa Malay 11TH Fietsa De Obreros inaabangan na

Posted April 29, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo credit by: thefoundrychicago.com
Inaabangan na ang mga kalahok sa Malay 11th Fiesta De Obreros sa darating na Huwebes May 1 sa nasabing bayan.
Tampok rito ang 17 mga contestant na mula sa lahat ng mga  Brgy. ng Malay para paglabanan ang P30, 000 na premyo na handog naman LGU.

Nabatid na bago ang ground presentation na magaganap sa nasabing araw ay magkakaroon muna sila ng street dancing competition sa umaga matapos ang isasagawang misa.

Inaasahang makulay at magarbo ang ipapakitang presentasyon ng mga kalahok rito lalo na at ang masyadong mahigpit ang labanan.

Ayon sa LGU Malay nitong Linggo, isa umano itong kaabang-abang na patimpalak na kagigiliwan ng maraming manunuod lalo na ng mga turista na mula sa isla ng Boracay.

Malalaking personalidad naman ang inaasahang mga hurado dito na ang ilan ay nagmula pa  sa probinsya ng Iloilo.

Ang 11th fiesta De Obreros ngayong taon ay mas pinabungga at pinaghandaan ng lokal na pamahalaan ng Malay para sa mga manunuod at sa Deboto ng kanilang Patron na si St. Joseph The Worker.

No comments:

Post a Comment