Pages

Monday, April 14, 2014

Mga establisemyento sa Boracay, pinag-iingat sa umano’y modus ng Budol-budol gang

Posted April 14, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Photo credit by securitymatters.com
Atensyon sa lahat ng mga establisemyento, mga souvenir shops at lahat ng tindahan sa isla ng Boracay.

Pinag-iingat ngayon ng mga taga Boracay PNP ang lahat sa umano’y modus ng Budol-budol Gang.

Kaugnay ito sa inireport ng isang may-ari ng restaurant sa Barangay Balabag kaninang umaga na umano’y pambibiktima sana sa kanya ng isang bading na kustomer.

Base sa kanyang salaysay sa presento, bumili ang nasabing customer ng isang kahang sigarilyo at nagbayad ng 500 pisong buo.

Susuklian na umano sana nito ang bading subali’t nagdesisyon itong hindi na bibilhin ang sigarilyo, kung kaya’t ibinalik nito ang pera sa kanya.

Kinalauna’y nagtanong aniya ang bading kung magkano ang kanyang ibinalik na pera, habang hawak ang buong 20 pesos.

Subali’t hindi nakalusot ang diskarte ng bading nang ibuking nya ito.

Nakita pala kasi nito na hinulog ng bading ang 500 piso at inilabas ang 20 pesos sabay iginiit na iyon ang kanyang natanggap.

Samantala, bigla umano nitong iniba ang usapan at nagpalusot na pinababaryahan lamang nito ang ipinakitang 20 pesos at saka umalis, matapos mabuking.

No comments:

Post a Comment