Pages

Wednesday, April 02, 2014

LGU Malay, nagbaba ng moratorium para sa building construction sa isla ng Boracay

Posted April 1, 2014 as of 6:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Atensyon sa lahat ng mga balak magtayo ng gusali sa Boracay.

Epektibo ngayong unang araw ng Abril, batay sa ibinabang Memorandum Order ni Malay Mayor John Yap.

Mahigpit  na ipatutupad ang pagsuspende o hindi pagbibigay ng licensing department ng LGU Malay ng Building Permit sa mga aplikanteng nais magtayo ng gusali sa Boracay.

Inilatag sa nilalaman ng Executive Order No. 006 series of 2014 ng alkalde, na kung sino man ang nakapagtayo na ng mga building at mayroon nang building permit ay hindi maapektuhan nito.

Malinaw rin na nakasaad na ang mga re-construction sa mga pampublikong gusali ay hindi saklaw ng nasabing moratorium.

Layunin ng lokal na pamahalaan ng Malay na habang epektibo pa ang Moratorium, ay dito nila ipapatupad ang rehabilitasyon sa Boracay, sa lahat ng aspeto ng isla.

Hindi lamang sa mga gusali at kapaligiran kundi sa iba pang bagay at serbisyo sa turista para makasabay din ang Boracay sa international standard.

Samantala, umaasa naman ang alkalde na mapapanindigan at maisasakatuparan ito sa tulong ng lahat.

No comments:

Post a Comment