Pages

Tuesday, April 22, 2014

LGU Malay, dismayado sa mga lumabag sa “No parties and loud music” sa Boracay nitong nakaraang Biyernes Santo

Posted April 22, 2014 as of 12:00nn
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Dismayado ngayon ang LGU Malay sa mga lumabag sa “No parties and loud music” sa Boracay nitong nakaraang Biyernes Santo.

Umabot kasi sa 15 ang mga establisemyento dito ang umano’y nagkaroon ng tugtugan sa kabila ng mahigpit na pagbabawal ng munisipyo at ng SB Malay.

Base ito sa isinumiting monitoring report ng Municipal Auxiliary Police kay Boracay Island Administrator Glenn Sacapaño.

Ayon naman kay Sacapaño, alam na rin ng mga nasabing establisemyento ang tungkol sa panawagan ng munisipyo na makiisa ang lahat sa pagbibigay-daan sa solemnidad ng Biyernes Santo.

Subali’t muli itong umapela na irespeto ang sagradong selebrasyon.

Samantala, sa kabila nito, nagpapasalamat naman si Sacapaño na naging mapayapa ang selebrasyon ng Semana Santa sa Boracay dahil sa pagtutulungan ng lahat.

No comments:

Post a Comment