Pages

Thursday, April 10, 2014

Hungarian national sa Boracay, inereklamo sa BTAC matapos manggulo at hamunin ng suntukan ang isang Australiano

Posted April 10, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Inireklamo sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang isang Hungarian national matapos na umano’y manggulo at hamunin ng suntukan ang isang Australiano.

Ayon sa report ng Boracay PNP, nagwawalis di umano ang asawa ng Australianong si Richard Hennekam, nang nilapitan at galit na kinompronta ng Hungarian national na si Daniel Melczer.

Sinabihan sya umano nito kung natanggap nila ang sulat mula sa may-ari ng kanilang tinutuluyang apartment na nagsasabing alisin na ang kanilang aso doon dahil sa marami na umano ang nakagat nito.

Dahil sa takot, tumakbo umano ang asawa ng Australiano na si Jocelyn Hennekam papunta sa kanilang kwarto at isinara ang gate sa kanilang veranda habang hinahabol naman ni Melczer.

Dahil sa ingay na narinig, lumabas ang Australiano at doon na ito pinaghahamon ng suntukan ng Hungarian national.

Kaagad namang inilayo ang nasabing Hungarian ng kasintahan nito sa lugar para hindi na lumala ang sitwasyon.

Samantala, minarapat namang ipinaubaya ng Boracay PNP sa Brgy. Justice System ng Manoc-manoc Boracay ang nasabing kaso.

No comments:

Post a Comment