Pages

Wednesday, April 02, 2014

Ginastos sa 25+5 meter easement rule sa Boracay, inaalam ni SB Bautista

Posted April 2, 2014
Ni Jay-ar  M. Arante, YES FM Boracay

Inaalam ngayon ni Malay SB Member Frolibar Bautista ang ginastos ng Task Force sa 25+5 meter easement rule sa isla ng Boracay.

Ito ang nilalaman ng privilege speech ni Bautista sa ginanap na 9th Regular Session ng SB Malay kahapon ng umaga.

Napag-alaman umano kasi nito na hindi parin isang daang porsyentong naidi-demolished ang mga imprastraktura sa isla na lumabag sa 25+5 meter easement rule ng Boracay Redevelopment Task Force o BRTF ng LGU Malay.

Samantala, nais naman nitong malaman kung ano pang mga imprastarktura ang kabilang sa 7 percent na pasok sa 25+5 meter easement at kung saan ito nakatayo o kung sino ang nag mamay-ari ng mga ito na hanggang ngayon ay hindi parin naidi-demolished.

Sa kabilang banda hinihiling din ni Bautisa sa nakatalagang Task Force na bigyan siya ng report o ideya kung ano ang nangyari sa pitong porsyentong hindi kabilang sa nasabing implementasyon.

No comments:

Post a Comment