Pages

Monday, April 14, 2014

Father Nonoy Crisostomo ng HRP Boracay, nanawagang isabuhay ang mga sakripisyo ni Kristo Hesus ngayong Semana Santa

Posted April 14, 2014
Ni Bert Dalida Yes FM Boracay

Isabuhay ang mga sakripisyo ni Kristo Hesus ngayong Semana Santa.

Ito ang panawagan ni Father Nonoy Crisostomo ng HRP o Holy Rosary Parish Boracay kahapon kasabay ng paggunita sa pagpasok ni Hesukristo sa Jerusalem na tinatawag ding Linggo ng Palaspas.

Sa ginanap na misa kahapon ng umaga sa mismong simbahan ng HRP Boracay, hinimok ng nasabing team ministry mediator ang mga Katoliko sa isla na pagnilay-nilayan ang mga karakter o personalidad ng mga taong tampok sa pagdiriwang ng Semana Santa.

Partikular na ipinaalala nito sa mga debotong Katoliko ang pakikiisa sa Panginoong Hesus, na tumanggap ng misyon para sa kaligtasan ng sanlibutan.

Samantala, nagpaanyaya din si Father Crisostomo hindi lamang sa mga lokal na residente sa isla kungdi maging sa mga turista na taos-pusong makilahok sa mga aktibidad ng simbahan ngayong linggo.

No comments:

Post a Comment