Pages

Tuesday, April 08, 2014

DOT Boracay, tiniyak ang seguridad ng publiko sa darating na Semana Santa

Posted April 8, 2014 as of 12:00nn
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Tiniyak ngayon ng Department of Tourism (DOT) ang seguridad ng publiko lalo na ang mga turista at bakasyonistang dadagsa sa darating na Semana Santa.

Ayon kay DOT Boracay Officer-In-Charge, Tim Ticar, kasama ang iba’t-ibang mga ahensya ay handa na umano ang isla para sa seguridad at kaligtasan ng mga magbabakasyon lalo na’t dagsa na rin ngayon ang mga lokal at dayuhang turista sa Boracay.

Samantala, idinagdag pa ni Ticar na magkakaroon din ng public assistance center sa mga matataong lugar para magbigay ng libreng tubig sa mga nais makibahagi sa paggunita ng Semana Santa.

Kaugnay nito, muling nagpaalala si Ticar sa publiko lalo na sa mga naliligo sa baybayin na mag-ingat at hanggat maaari ay iwasang masangkot sa mga petty crimes sa isla.

Samantala, maliban umano sa puwersa ng Philippine Coastguard, Navy at mga force multiplyers, police visibility naman ang tiniyak ng DOT at Boracay PNP Station para sa mga turista sa Boracay.

No comments:

Post a Comment