Pages

Wednesday, April 02, 2014

Chinese national, patay matapos atakihin ng “heat stroke” sa Boracay

Posted April 2, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Mag-ingat ngayong mainit ang panahon.

Matatandaang ito ang paalala ng Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa pagtaas ng mainit na temperatura sa bansa dulot ng tag-init.

Kaugnay nito, isang Chinese National na nagbabakasyon sa isla ng Boracay ang inatake ng “heat stroke” habang naglalakad sa beach front ng Balabag Boracay nitong Linggo.

Ayon sa report ng mga taga Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), naglalakad sa beach front ng Station 1 Balabag Boracay bandang ala una ng hapon ang lalaking Chinese national na si Yang Lin, 57 anyos nang bigla na lamang natumba at nawalan ng malay.

Agad umano itong dinala sa isang clinic sa isla subalit ideneklara ng “Dead-on-Arrival” ng doktor.

Kasalukuyan naman sa ngayon inaasikaso ang bangkay ng biktima pabalik sa kanilang bansa.

No comments:

Post a Comment