Pages

Thursday, April 24, 2014

Aklan Piña & Fiber Festival, nagsimula nang ibandera

Posted April 23, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagsimula nang ibandera ang mga ipinagmamalaking produkto sa probinsya ng Aklan sa  Aklan’s Piña & Fiber Festival.

Kaugnay nito, pormal nang binuksan ang exhibit sa Trade Hall ng Provincial Capitol Grounds na isa sa mga naka-linyang aktibidad para sa selebrasyon ng 58th founding anniversary ng probinsya.

Ayon sa Aklan Provincial Government, ipapakita rin dito ang public-private partnership para ipakilala ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) at mas mapalakas ang hatak sa iba pang negosyo.

Samantala, magsisimula ang nasabing aktibidad mula Abril 22 hanggang 27 kung saan nasa mahigit 50 mga exhibitors ang nabigyan ng oportunidad na ibenta ang kanilang mga natatangi at world-class na produkto.

Kabilang sa mga edi-display na produkto ay ang mga decorative crafts, gifts, fashion accessories, confectionary products, agri-aqua products, bakery, high fashion apparels at furnishings.

Nagsanib pwersa naman ang provincial government of Aklan, Department of Trade and Industry (DTI) Aklan, PhilFIDA, PhilExport-Aklan Chapter, Hugod Aklanon Producers Association, Inc.  at Aklan Piña and Indigenous Fibers Manufacturers and Traders Association, Inc. para maisakatuparan ang aktibidad na ngayon ay nasa 15th year nang ginagawa.

No comments:

Post a Comment