Pages

Wednesday, March 12, 2014

Wanted na kawatan, timbog dahil sa aktong pagnanakaw

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

1203 bankKaagad na inaresto ng mga taga MAP Boracay ang isang wanted na kawatan matapos umanong pagtulungang bugbugin ng mga tambay sa baybayin ng Station 1 Boracay nitong nakaraang gabi.

Pinagnakawan kasi umano nito ang isang Korean national na nagbabaskasyon sa Boracay.

Nakilala sa police report ng Boracay PNP ang suspek na si Mark Anthony Castillo, 27 – anyos habang nakilala naman ang biktima kay Tae Mo Kang, 39 – anyos ng Seoul, South Korea.

Nabatid na bandang alas sais umano ng gabi nitong Lunes habang masayang nagliliwaliw ang lalaking Korean national sa baybayin ng isang resort sa isla nang may isang concerned citizen na nagsisigaw na mayroong magnanakaw.

Nang tingnan naman umano ng turista ang kanyang gamit ay nawawala na ang kanyang pouch na may nakalagay na cellphone at perang nagkakahalaga ng mahigit apat na libong piso.

Laking gulat na rin umano nito na sa bandang unahan ng baybayin ay may isang lalaki ang pinagbubugbog ng ilang mga kalalakihan.

Kaagad namang inaresto ng mga rumispondeng MAP members ang nasabing suspek kung saan nakitaan rin ito ng patalim na may labing isang pulgada ang sukat at nahaharap sa kasong paglabag sa Batas Pambansa 6.

Samantala, nabatid rin na ang nasabing suspetsado ay isa pala sa mga pinaghahanap ng mga kapulisan na mayroong warrant of arrest with Criminal Case No. 10942 sa RTC 6th Judicial Region Branch 4, Kalibo, Aklan.

No comments:

Post a Comment