Pages

Tuesday, March 04, 2014

TIGRA, target na maging “mercury free ang isla ng Boracay”

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Target ng Transnational Institute Grassroots Research and Action o TIGRA na maging “mercury free ang isla ng Boracay”.

Ito’y matapos na mapag-alaman na maraming mga itinatapong sirang bombilya sa mga basurahan sa isla na sadyang delikado sa kapaligaran lalong lalo na sa mga tao.

Sa isinagawang lecture ng TIGRA kahapon ng hapon sa Manoc-manoc MRF dito ipinaintindi sa mga kalahok na BSWAT o Boracay Solid Waste Action Team kung gaano kadelikado ang mercury na nagmumula sa mga bombilya kapag ito’y nabasag.

Pinagunahan naman ni Engineer Eric Raymundo at Engineer Allan Beton ang nasabing lecture sa pamamagitan ng mga ipinakitang video tungkol sa epekto nito.

Ayon kay Raymundo, kailangang ihiwalay ang mga sirang bombilya o florescent sa mga itinatapong basura para maiwasan na masinghot ng tao ang mercury nito.

Sa ngayon gumagawa na ng hakbang ang TIGRA para maiwasan ang ganitong klaseng problema na maaari ding pagmulan ng ibat-ibang sakit o pagkamatay ng tao.

Paalala pa ng mga ito kinakailangan umanong ipaintindi sa mga mamamayan ang posibleng masamang epekto na dulot ng mercury na nagmumula sa bombilya o florescent.

No comments:

Post a Comment