Pages

Wednesday, March 26, 2014

Planong paglipat sa Caticlan Elementary School, malapit ng maisakatuparan

Posted March 26, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Inaasahang matutupad na ngayon ang hiling ng mga magulang at mag-aaral ng Caticlan Elementary School na ilipat sa isang tahimik at maayos na lugar.

Sa Other matters sa Malay SB Session kahapon, sinabi ni SB Member Manuel Delos Reyes nagkaroon na sila ng pag-uusap ni Malay Adminstrator Godofredo Sadiasa tungkol dito.

Ilan umano sa nakikitang mangyayari ni Sadiasa ay mailipat ang nasabing paaralan sa kung saan ngayon nakatayo ang Malay Public market na makikita rin sa nasabing baranggay.

Ayon kay Delos Reyes, hinahanapan na ng LGU Malay ng lugar na kung saan posibleng pagtayuan ng kanilang Public Market para mailipat ang paaralan.

Nabatid na ang paaralan ng Caticlan ay sa gilid lamang ng Caticlan Airport na kung saan ay nakakaranas ng matinding ingay ang mga mag-aaral sa tuwing may nagta-take-off at nagla-landing na eroplano.

Nauna na ring hiniling ng principal ng nasabing paaralan na sanay mabigyan aksyon ang kanilang problema dahil malaki ang naidudulot nilang abala sa mga batang nag-aaral lalo na pagdating ng exam na nawawalan ng concentration.

Sa ngayon patuloy na ring prinoproseso ng LGU Malay ang budget para dito upang mapadali ang paglilipat ng paaralan kabilang na ang public market.

No comments:

Post a Comment