Pages

Tuesday, March 25, 2014

NGCP, siniguro sa SP Aklan na ibabalik ang kumpletong supply ng kuryente sa probinsya

Posted March 25, 2014 as of 12 noon
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Siniguro ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang kumpletong supply ng kuryente sa probinsya.

Kaugnay nito, kumpyansa rin umano ang Aklan Electric Cooperative (AKELCO), na maibabalik na sa normal ang kanilang serbisyo sa pagtatapos nitong buwan ng Marso.

Sa ginanap 10th Regular SP Session nitong myerkules, sinabi ng NGCP sa pangunguna ni Engr. Rey Jaleco at AKELCO General Manager Chito Peralta na kanilang pipiliting maibalik ang serbisyo ng 138KV transmission line papuntang Nabas Sub-station, na siya namang pinagkukunan ng suplay ng kuryente ng Boracay.

Ayon naman kay GM Peralta, ang AKELCO ay kumukuha ng power supply sa 50 MVA sub-station transformer sa Panit-an Capiz habang itina-transmit sa 69KV transmission lines na may limang steel towers sa pagitan ng Dingle (Iloilo)-Panit-an grid at 132 steel towers sa pagitan ng Panit-an-Nabas grid.

Sinabi din ni Jaleco na ang peak power demand ngayon sa AKELCO ay 43.69MW kung saan nakakapagbigay lamang ang 69KV line ng 38MW at kalahati sa 87 percent nito ay ginagamit sa Boracay.

Samantala, matatandaang ikinabahala ni Vice Governor Gabrielle Calizo-Quimpo ang kaugnay sa rehabilitation at restoration project ng mga energy authorities lalo na ngayong peak season.

No comments:

Post a Comment