Pages

Tuesday, March 11, 2014

MS Costa Atlantica, dumating na sa isla ng Boracay

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Dumating na ang itinuturing na pinakamalaking cruise ship na MS Costa Atlantica sa isla ng Boracay pasado alas syete ng umaga.

Galing pa sa China at Manila ang MS Costa Atlantica na may lulang 2, 680 na mga turista at 897 na mga crew.

Nabatid na karamihang sakay ng nasabing barko ay kinabibilangan ng mga media personality na gustong mag-island tour sa isla ng Boracay.

Masayang sinalubong ng Aklan Provincial Government, LGU Malay at Department of Tourism ang pagdating ng mga turista sa Cagban Port.

Kabilang dito sina DOT Boracay Officer In charge Tim Ticar, Aklan Vice Governor Billie Calizo at Committee Chairman on Tourism SB Member Jupiter Gallenero na nakibahagi sa isinagawang programa para sa exchanging of plaque of appreciation.

Ikinatuwa naman ng mga opisyal ng probinsya ang patuloy na pagdagsa ng mga cruise ship sa isla, kung saan nauna naring sinabi ni Aklan Provincial Governor Joeben Miraflores na indikasyon na ito na magiging isa sa mga sikat na destinasyon ang Boracay para sa mga cruise ship.

Napag-alaman na bandang ala-sais naman mamayang gabi ang departure nito patungong Naha Okinawa Japan na syang susunod na magiging destinasyon.

Itinuturing naman na isa sa mga pinakamalaking barko ang MS Costa Atlantica dahil sa may 15 itong palapag.

No comments:

Post a Comment