Pages

Monday, March 03, 2014

LTO Aklan, aminadong kulang sila sa tauhan dahilan ng pagbagal kanilang operasyon

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Aminado ngayon ang Land Transportation Office o LTO Aklan na kinukulang sila sa tauhan dahilan ng pagbagal ng kanilang operasyon.

Ayon kay LTO Aklan Clerk at Examinee Roy Conte, hindi pa umano sila makakapagdagdag ng tauhan ngayon dahil nag-aantay lang sila ng mandadto mula sa mataas na tanggapan ng LTO.

Iginiit naman nito na karamihan lamang sa nagkakaroon ng problema ay sa Cashier dahil sa nag-iisa lang ito.

Aniya, ang pagdagdag ng tauhan ay disesyon na nagmumula sa kanilang Regional Office sa probinsya ng Iloilo.

Dagdag pa ni Conte napapansin umano nito na masyado ng maliit ang kanilang tanggapan dahil sa dumarami narin ang mga kumukuha ng drivers licensed kung saan isa umano ito sa kinokonsidera nilang problema.

Nabatid na ilang mga aplikante ang hindi maiwasang mainis at magalit dahil sa may kabagalang transaksyon lalo na sa pagbayad.

Samantala, sinisikap naman ng LTO Kalibo, na mabigyan ng magandang serbisyo ang kanilang mga kustumer para sa mabilis at maayos na pamamalakad ng kanilang tanggapan.

No comments:

Post a Comment