Pages

Thursday, March 27, 2014

JOB FAIR ng PESO Aklan, unti-uniti nang dinadagsa ng mga aplikante sa Kalibo

Posted March 27, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagsisimula nang dumagsa ang mga aplikante sa isinagawang job fair ng Provincial government at PESO Aklan sa bayan ng Kalibo ngayong araw.

Itoy bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Women’s Month ngayong buwan ng Marso na may temang “Juana, ang Tatag Mo ay Tatag Natin sa Pagbangon at Pagsulong”.

Sa pangunguna ng provincial government at sa pakikipagtulungan sa Provincial Public Employment Service Office ay inilunsad ang nasabing Job Fair ngayong Huwebes hanggang bukas araw ng Biyernes, Marso 27 at 28 sa Aklan Comprehensive Center for Women  simula kaninang alas 8:00 ng umaga hanggang mamayang alas 5:00 ng hapon.

Katuwang nito ang Aklan Gender and Development Commission (AGADC) Local Business Establishments, isang Shipping Company, Overseas Licensed Recruitment Agencies at Department of Labor and Employment (DOLE).

May 28 namang mga kumpirmadong Employers at Human Resource Officers ang haharap sa pag-interview at pagtanggap ng mga aplikante sa ibat-ibat mga bakanteng trabaho sa Kalibo, Boracay, Iloilo, Capiz, Manila at maging sa Abroad.

Halos tatlong libong bakanteng posisyon ang kayang maaplayan sa dalawang araw na Job Fair kung saan ilan lamang sa mga ito ay trabaho sa hotel, restaurant, mall, office work, engineer, sales and marketing at ilan pang matataas na posisyon sa ibat-ibang kumpanya.

1 comment:

  1. mark vincent gallietaAugust 25, 2014 at 9:40 PM

    meron poh bang hiring dito sa aklan ngayong august hanggang september?

    ReplyDelete