Pages

Tuesday, March 04, 2014

Expansion ng Boracay Hospital, sinisimulan na

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Mas magiging komportable na ang mga pasyente sa Boracay Hospital.

Sinisimulan na kasi ngayon ang expansion ng Don Ciriaco S. Tirol Memorial Hospital (DCSTMH) o mas kilala sa tawag na Boracay Hospital.

Ayon sa Aklan Provincial Engineer’s Office,napagplanohan na palalakihin ang nasabing ospital at gagawing tatlong palapag kasama na ang paglalagay ng elevator para dito.

Samantala, ayon naman kay Mollyn Flores ng Boracay Hospital, bagamat maaantala umano at hindi mapapadali ang pagkilos ng ilang mga empleyado sa nasabing ospital dahil sa isinasagawang construction.

Ikinakatuwa ng Boracay Hospital ang nasabing hakbang ng gobyerno at pagbibigay pondo ng Department of Health (DOH) para sa pagpapagawa ng pagamutan.

Napag-alaman na naglaan ng 40 milyon pesos ang DOH para sa nasabing construction kung saan suportado naman ng LGU Malay.

Ayon pa kay Flores, kung matatapos na umano ang pagpapagawa sa nasabing ospital ay tataas na rin ang antas nito.

Ayon kasi sa kanya, nasa primary parin ang status ng nasabing ospital kaya’t ini-rerefer nila sa bayan ng Kalibo ang ilang mga pasyente sapagkat hindi pinapayagan ang primary status na ospital na tumanggap ng mga seryosong kondisyon ng pasyente.

Samantala, una na ring sinabi ng Aklan Provincial Health Office (PHO) na magiging isang magandang hospital ang  DCSTMH dahil sa maglalagay ang DOH ng mga equipment para sa ibat-ibang operasyon ng mga magpapagamot.

Kabilang rin dito ang pagdadagdag ng staff para lalong mabigyang pansin ang mga pasyenteng magpapagamot hindi lamang ng mga taga Boracay kundi maging ang mga turista.

No comments:

Post a Comment