Pages

Monday, March 03, 2014

Dalawang International cruise ship, nakatakdang bumisita sa Boracay ngayong Marso

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Dalawa na namang International cruise ship ang nakatakdang bumisita sa isla ng Boracay ngayong buwan ng Marso.

Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, ang Costa Atlantica ang unang dadaong sa petsa-onse at ang MS Europa 2 naman ang susunod sa petsa a-bente ngayong buwan ng Marso.

Inaasahang mahigit sa 2,500 na mga pasahero ang sakay ng mga ito na mag a-island tour sa isla ng Boracay.


Nabatid na ito na ang pangatlong balik ng MS Europa 2 sa Boracay kung saan nauna na itong dumaong sa isla noong Enero a-nueve at Febrero 17.

Sa kabilang banda isa sa tinitingnan problema ngayon ng DOT ay sa tuwing low tide kung saan ay nagsisiksikan ang mga bangka sa Cagban  Port, dahilan ng pagka-antala ng mga pasahero dahil sa mabagal na operasyon ng mga ito.

Sinabi naman ni Ticar, na malapit nang masimulan ang pagsasaayos ng nasabing pantalan na malaking tulong para sa lahat ng mga turistang palabas at papasok ng isla ng Boracay.

Samantala, inaasahan naman ng Caticlan Jetty Port Administration na magiging pangunahing cruise destination ang isla ng Boracay dahil sa patuloy na pag-tour ng mga ito sa isa sa mga sikat na isla sa buong mundo.

No comments:

Post a Comment