Ni
Gloria Villas, YES FM Boracay
Isinagawa
ngayong araw ng mga puso ang blood letting activity ng Philippine Red Cross
(PRC) Boracay – Malay Chapter.
Ayon
kay PRC Boracay Deputy Administrator, John Patrick Moreno.
Napili
umano nila ang araw na ito sapagkat maliban sa sinasabing “Heart’s day”, ito
rin ang araw kung saan nagpapakita ng pagmamahalan ang bawat isa, kaya’t
tinawag din umano nilang “giving love and giving blood”.
Samantala,
hinimok rin nito ang publiko na mag-donate ng dugo sapagkat isa rin umano ito
sa mga paraan upang malaman ang mga sakit at agad na maiwasan.
Aniya,
ang isang bag ng dugo ay makakasagip na ng tatlong buhay lalo na sa mga walang
pera na nangangailangan nito.
Kaugnay
nito, ilan rin sa mga may-ari at empleyado ng iba’t-ibang resort at hotel sa
Boracay maliban sa ilan ring ahensya ng pamahalaan tulad ng PNP, SOCO, DepEd at
DOH ay naroon din para makibahagi sa nasabing aktibidad.
Samantala,
patuloy naman na nagpapasalamat ang Red Cross sa walang humpay na suporta ng
iba’t-ibang mga organisasyon para tumulong sa kapwa.
Ang
Red Cross ay isang organisasyon na kilala na tumutupad ng pangunahing makataong
serbisyo tulad ng Safety, Blood, Community Health and Nursing, Social Services
and Volunteer Services.
No comments:
Post a Comment