Pages

Monday, February 17, 2014

Posibleng paglipat ng class opening sa Setyembre, hindi pabor sa DepEd Aklan

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kasabay sa pagtutol ni DepEd Sec. Armin Luistro na ilipat sa buwan ng Setyembre ang pagbubukas ng klase mula sa buwan ng Hunyo.

Hindi rin ito pinaboran ng Department of Education (DepEd) Aklan na maisakatuparan ang paglipat nito.

Ayon kay Mrs. Floradel Jamera, Sekretarya ni Schools Division Superintendent Dr. Jesse M. Gomez ay napag-usapan na nila ito kamakailan lang.

Aniya, tutol umano dito si Dr. Gomez, dahil wala naman umanong makakapagsabi kung anong buwan darating talaga at hahagupitin ang bansa ng mga bagyo.

Sa ngayon may mga technical groups na rin na titingin sa mga patterns ng bagyo at pag-aralan ang planong ito gayundin ang magiging epekto sa mga mag-aaral.

Samantala, sinabi naman ni Luistro na napapanahon ang pagpalit sa pagbukas ng klase maliban na lamang kung ang 2,000 unibersidad sa bansa ang magkakasundo na ilipat ang pagbukas ng klase.

Nabatid na iminungkahi sa Senado kamakailan lang na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase dahil sa nararanasang bagyo sa tuwing class opening, subalit inalmahan ito ng DepEd.

No comments:

Post a Comment