Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Malaking pabor para sa mga Aklanon ang pagkakaroon ng satellite
ng National Bureau of Investigation o NBI sa Aklan.
Ito’y matapos ang naging pahayag ni Aklan Governor
Florencio Miraflores nitong nakaraang linggo, kung saan sinabi nito na ang pagtatayo
ng NBI sa Aklan ay malaking tulong para mabawasan ang mahabang linya ng mga
aplikante sa Iloilo City.
Samantala, sinabi pa ng governador na ang pag-apply ng
clearance ng mga Aklanon ay napakahabang oras para ma-process ang kanilang
applications sa NBI regional office sa Iloilo.
Nabatid na ngayong second-quarter ng taon na uumpisahang
ipatayo ang tanggapan ng NBI Satellite Office sa Aklan para mapabilis ang kanilang
serbisyo.
Ang NBI clearance ay isa sa mga kailangan ng kumpanya
para malaman kung ang isang aplikanteng papasok sa trabaho, lokal man o abroad at
ang kumukuha ng visa ay walang criminal records sa NBI.
No comments:
Post a Comment