Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Minsan hindi ang masamang kondisyon ng mga kalsada
ang pangunahing dahilan ng mga aksidente sa kalye na kadalasang nagreresulta sa
pinsala sa katawan.
Sa talaan ng Boracay PNP Station, karamihan dito ay halos nakadepende sa disiplina na mayroon ang isang drayber.
Sa talaan ng Boracay PNP Station, karamihan dito ay halos nakadepende sa disiplina na mayroon ang isang drayber.
Kaugnay nito, isa na naman kasing aksidente sa
kalsada ang nangyari nitong martes sa Balabag Boracay kung saan ikinasugat ng
kanang paa ng isang Korean National.
Ayon sa impormasyong nakuha sa Boracay PNP, nawalan
ng kontrol ang isang drayber ng multicab na pagmamay-ari ng isang
establisyemento sa isla at sumalpok sa puwetan ng isang pampasaherong traysikel.
Sakay ng nasabing traysikel na minamaneho ni
Rodulfo De Jesus, 38 anyos ang Korean National na si Lee Sun Ho, 37 anyos,
asawa nito at limang taong gulang na anak.
Sinasabi na patungo sa direksyon papuntang Yapak
Boracay ang dalawang sasakyan nang mangyari ang aksidente.
Isinugod naman sa pagamutan ng drayber ng multicab na nakilala kay
Angelito Salaver, 27 anyos ang lalaking Korean national para mabigyan ng
agarang medikasyon.
Samantala, nabatid naman na hindi na nag-file ng anumang kaso ang mga
biktima kung saan agad namang ibinalik sa dalawang drayber ang kanilang mga
sasakyan.
No comments:
Post a Comment