Pages

Tuesday, February 04, 2014

MSWD, wala pang nababalangkas na ordinance para sa mga minors sa Boracay

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Wala pang nababalangkas na ordinansa para sa mga minors sa Boracay.

Ito ang kinumpirma ni Malay Social Welfare and Development Head (MSWD) Magdalena Prado, kaugnay sa mga Children in Conflict With The Law (CICL) sa isla.

Sinabi kasi ni Department of Tourism (DOT) Boracay Officer In charge Tim Ticar na hinihingan ng draft ordinance ng Commission on Human Rights (CHR) ang MSWD.

Ito’y upang maaksyunan ang sunod-sunod na krimen na nangyayari sa isla kung saan karaniwang sangkot ang mga kabataan.

Ayon kay Prado, may mga report silang natatanggap kaugnay sa mga menor de edad na nasasangkot sa mga nakawan sa Boracay.

Magkaganon paman, sinabi nito na sinusunod nila ang Republic Act No. 9344, o ang pagpapatupad ng juvenile justice and welfare system.

Samantala sa ilalim naman ng Republic Act No. 7610 ay ang pagbibigay ng sapat na proteksyon sa mga kabataan laban sa pangaabuso, pangbubugaw at diskriminasyon ay isa rin sa kanilang mga alituntunin.

May mga programa din umano sila tulad ng pagpapaintindi at pagpapalawig ng mga kagandahang asal sa mga bata.

At kung hindi man taga isla ang kanilang mga nahuhuli ay ibinabalik ito sa mga magulang at binibigyan din ng ayuda para maalagaan.

Samantala, hiningi naman ng MSWD ang agarang kooperasyon ng publiko kaugnay sa mga batang lumalabag sa batas para mabigyan ng aksyon.

No comments:

Post a Comment