Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakiisa sa pagdiriwang ng World Radio Day ngayong araw
ang mga radio station sa Aklan.
Ito’y isang paraan upang kilalanin ang radyo bilang
medium ng patas na pagbabalita.
Dito hinikayat din ng United Nations Educational,
Scientific and Cultural Organization o UNESCO ang mga radio network sa bansa na
i-promote ang kahalagahan sa pagbibigay impormasyon at kalayaan sa
pagmamahayag.
Sa kabila nito, nagkaroon naman ng iba’t-ibang komentaryo
ang mga radio station sa Aklan para ipaabot sa mga nakikinig kung ano ang
kahalagahan ng radyo sa lipunan.
Nagbigay naman ng pagpupugay ang mga miyembro ng Aklan
KBP o Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas sa pagdiriwang ng World Radio
Day.
Ang UNESCO ay isang specialized agency ng United Nations
na may layuning palawakin ang karapatang pantao at malayang pamamahayag.
No comments:
Post a Comment