Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nagmistulang may prusisyon kanina sa main road ng
Balabag Plaza dahil sa naparalisadong daloy ng trapiko dulot ng mga humintong
sasakyan.
Isang sunog kasi ang naganap sa Sitio Pina-ungon
Ibaba, Balabag mag-aalas tres nitong hapon, rason upang sakupin ng tatlong
fire trucks ang kalsada doon.
Lalo pang sumikip ang lansangan nang magsilabasan
ang mga residente sa lugar upang panoorin ang sunog.
Kaagad namang umalalay sa sitwasyon ang mga taga Municipal Auxiliary Police (MAP) Boracay at Boracay PNP sa mga bombero upang
mapadali ang pagsugpo sa apoy.
Ayon sa ilang mga residente doon, maaaring may nagtapon
ng nakasinding sigarilyo sa mga nakatambak na kahoy at construction materials,
mga tuyong dahon at kawayan sa bakanteng lote doon kung kaya’t nasunog ang mga
ito.
Sa ngayon ay nagpapatuloy parin ang imbestigasyon
ng Bureau of Fire Protection Boracay kung ano ang naging sanhi ng sunog.
Isang sunog din ang naganap kahapon sa Barangay
Manoc-manoc.
No comments:
Post a Comment