Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Inaasahan na ng Boracay Tourist Assistance Center
(BTAC) ang pagdagsa ng mga turista ngayong papalapit na ang summer season.
Kaugnay nito, umaasa umano ang Boracay PNP Station
na madagdagan ang kanilang mga police personnel para mapaghandaang mabuti ang
mga papasok at magbabakasyon sa isla.
Ayon kay Boracay PNP Deputy Chief Police Inspector Fidel
Gentallan.
Ngayon pa lamang ay napapansin na nila ang pagdami
ng mga local at dayuhang turista kung saan sinabi din nito na baka kukulangin
ang mga pulis personnel sa isla.
Samantala, muli namang nanawagan ng kooperasyon ang
Boracay PNP sa publiko na agad ipagbigay alam sa mga otoridad ang mga
nakikitang gumagawa ng hindi maganda sa isla.
Sa ngayon ay nakahanda na rin umano ang mga bagong
action plan ng mga pulis para sa mapanatili ang seguridad at kaligtasan ng
publiko lalo na ng mga turista.
No comments:
Post a Comment