Pages

Monday, February 17, 2014

Bilang ng mga turistang nabibiktima ng kriminalidad sa Boracay tumaas

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ikinababahala ng Aklan Provincial Police Office o APPO ang pagtaas ng bilang ng mga turistang nabibiktima ng kriminalidad sa Boracay.

Simula ng pumasok ang taong 2014 sunod-sunod na mga insidente ang naitala ng Boracay Tourist Assistance Center o BTAC na kinasasangkutan ng mga banyagang turista.

Kabilang sa mga ito ay mga petty crimes katulad ng mauling incidents, pick pocketing, robbery at ang pagpapakamatay.

Ayon sa Aklan Provincial Police Office, maaaring gumawa sila ng hakbang para masolusyonan ang nasabing problema na posibleng makasira sa turismo ng isla ng Boracay.

Kamailan lamang ay isang habal-habal driver ang kinasuhan matapos nitong gahasain ang isang foreigner sa Boracay.

Posible namamg maging hamon ito sa bagong PSInspector ng Boracay na si Mark Evan Pedregosa Salvo.

Samantala, pinayuhan naman ng mga otoridad ang mga taga Boracay na tumulong para masugpo kung sino man ang gumagawa ng nasabing krimen.

No comments:

Post a Comment