Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
Kahit na tumanggap ng samut-saring pagpuna hinggil sa naging operasyon
at pamamaraan ng pagtibag ng seawall umpisa nitong taon bilang bahagi ng
redevelopment sa Boracay.
Iprenisenta ngayon ng task force ang ideya sa pagsulong ng Beach Replenishment.
Sa naging presentasyon ni Lifeguard Supervisor Mike Labatiao sa harap ng
mga taga-BRTF , gagamit ito ng teknolohiya nahihigop ng buhangin sa dagat at
ibabalik sa dalampasigan o beachline.
Ito'y sa pamamagitan ng vacuum na gagamitin ng diver nasisisid at magmamanipula para mahigop ang buhangin naibubuhos naman sa mababang bahagi o eroded area ng beachfront.
Ito'y sa pamamagitan ng vacuum na gagamitin ng diver nasisisid at magmamanipula para mahigop ang buhangin naibubuhos naman sa mababang bahagi o eroded area ng beachfront.
Sa ganitong paraan umano ay maibalik ang dating anyo at gandang beachline
lalo nasa Station 1 bago pa man nagkaroon ng erosion nadulot umano ng mga strakturang
seawall.
Dagdag naman ni SB Member Rowen Aguirre, habang inaantay ang anomang rekomendasyon
mula sa National Government, mas mainam na daw na may pamamaraan ng ginagawa ang
local na pamahalaan.
Sa ngayon ay inaantay nalang ang mga equipment na gagamitin at mga kaukulang
permit na kakailanganin para maumpisahan ang Beach Replenishment project na ito.
No comments:
Post a Comment