Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nasa isang punerarya pa ngayon sa Caticlan ang bangkay ng isang Dutch
National matapos umano itong magbigti sa tinutuluyang kuwarto sa Boracay.
Kinilala ng Boracay PNP ang 63 anyos na biktimang si Geritt Van
Straalen ng Netherland at kasalukuyang nangungupahan sa Sitio Bolabog, Barangay
Balabag.
Base sa imbistigasyon ng mga Boracay PNP, naratnan na lamang umano ng
kanyang nagpakilalang girl friend na si Liezl Camello ng Cebu City ang biktima
na nakabigti sa kanilang comfort room gamit ang nylon cord at wala nang buhay.
Galing umano sa Cebu ang kanyang kasintahan, may good bye note pang natagpuan sa sala na iniwan umano ng biktima para
sa kanyang girl friend, at ilang personalized items para naman sa kanyang
asawa.
Nabatid na hiwalay sa asawa at isang anak ang biktima.
Nakasaad sa sulat na humihingi sa kanila ng paumanhin ang biktima dahil
wala na umano itong trabaho.
Hinihiling din umano ng biktima na dito siya sa Boracay ilibing.
Samantala, nakikipag-ugnayan naman ang mga otoridad sa pamilya ng
biktima para sa karampatang disposisyon.
No comments:
Post a Comment