Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pinasalamatan ni Mayor John Yap ang suporta ng BPI Globe
BanKo sa E-Trike program ng LGU Malay.
Sa ginanap na launching para sa mga bagong E-Trike sa isla
kaninang umaga.
Sinabi ng alkalde na mapapadali ang pagpapatupad ng mga
nasabing sasakyan sa isla dahil sa suporta ng BPI Globe BanKo.
Ang BPI Globe BanKo umano kasi ang nagpondo para sa magkaroon
ng mga E-Trike sa Boracay.
Samantala, sinabi din nito na hindi umano
basta-basta ang pagpapatupad ng nasabing programa kung saan inabot pa ng
dalawang taon bago ito tuluyang maipatupad.
Ito’y dahil kinailangan munang e-testing ang mga
nasabing sasakyan.
Magkaganon paman, sinabi pa ng alkalde na
determinado ang lokal na pamahalaan na sa magiging E-Trike na ang gagamitin sa
isla sa taong 2015.
Hinihikayat din nito ang kooperasyon ng mga stakeholders
at residente sa isla na suportahan ang E-Trike program.
No comments:
Post a Comment