Pages

Wednesday, January 29, 2014

Sea wall demolition ng BRTF, halos tapos na

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Halos tapos na ang pagdemolish ng mga sea wall sa Boracay.

Ito ang kinumpirma ni Department of Tourism (DOT) Boracay Officer in charge Tim Ticar, kaugnay sa pagtanggal ng BRTF o Boracay Redevelopment Task Force sa mga illegal structures sa long beach ng isla.

Nasa 70 porsiyento na umano kasi ng mga ito ang natapos nang gibain ng BRTF simula nitong Enero 6.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Ticar na isusunod narin ng Task Force ang mga sea wall sa back beach.

Subali’t hindi pa umano nila masabi kung kailan, dahil kailangan munang tapusin sa ngayon ang mga sea wall sa beach front.

Samantala, bagama’t aminado si Ticar na maraming mga stakeholders na apektado ng demolition ang umalma sa pagbaon ng mga tinibag na seawall.

Kampante naman nitong sinabi na positibo ang naging tugon ng karamihan sa mga ito na gibain at tuluyan nang alisin ang mga nasabing istraktura.

Matatandaang unang giniba ng mga taga BRTF ang mga sea wall sa station 1 papuntang Boracay Terraces Resort (BTR) nitong nagdaang unang linggo ng Enero 2014.

No comments:

Post a Comment