Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kasado na ang preparasyon ng Lokal na pamahalaan ng Ibajay Aklan para
sa kanilang Ati-Atihan Festival ngayong darating na Linggo.
Ayon kay Aireen Alag ng Ibajay Mayor’s Office.
Ngayong araw ng Biyernes ay magkakaroon sila ng Municipal Day na lalahokan
ng lahat ng Baranggay sa Ibajay.
Nitong mga nakaraang araw umano ay ibat-ibang programa na ang
itinanghal sa kanilang Municipal plaza na nilahukan ng artista at singer na sina
Karylle at Markki Stroem.
Aniya, sa pagsapit ng Linggo ay isang misa ang gaganapin sa Ibajay
Church na inaasahang dadagsain ng mga deboto ni Sr. Sto Niño.
Matapos nito ay magkakaroon ng parada ang mga tribong kalahok mula sa
ibat-ibang baranggay ng nasabing bayan bago ang mass presentation sa Plaza.
Matatandaang nito lamang nakaraang linggo ay nagtapos ang mahabang
selebrasyon ng Sto. Niño Ati-Atihan Festival sa bayan Kalibo na dinaluhan ng
libo-libong katao at naidaos ng matagumpay.
Samantala, apat na bayan sa Aklan ang nagdiriwang ng Ati-Atihan
Festival sa probinsya ng Aklan na kinabibilangan ng Kalibo, Ibajay, Makato at
Altavas na nagdiriwang ng kapistahan ngayong araw at ang isla ng Boracay na naunang nagdiriwang noong Enero a-dose.
No comments:
Post a Comment