Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Matinding pinaghahandaan ng Department of Tourism (DOT) Boracay ang
pagdating ng tatlong cruise ship sa Boracay ngayong buwan ng Enero.
Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Artemio “Tim” Ticar.
Nakalatag na ang mga kakailanganin at gagawing seguridad para sa pagdating
ng tatlong barko sa isla ngayong buwan.
Una nga riyan ay ang pagdating ng MS Costa Victoria bukas at ang MS
Europa 2 na darating sa araw ng Huwebes.
Nabatid naman na babalik muli ang MS Costa Victoria sa susunod na
linggo para muling magdala ng maraming turista sa isla ng Boracay.
Aniya, kung ano ang mga ginawang paghahanda ng mga kinauukulan sa
pagdating ng mga cruise ship noong nakaraang taon ay ganoon parin umano ang
kanilang gagawin maliban lamang sa pagdagdag ng mga tutugtog ng rondalya sa may
Cagban Jetty Port bago bumalik ang mga pasahero sa kanilang barko.
Dagdag pa ni Ticar, kung magkakaroon ng pagkakataon na mag long staying
ang ilang cruise ship sa Boracay ay maaaring magkaroon din ng tour sa mainland
ang mga sakay nito.
Buong suporta naman ang ipinapakitang tulong ng gobyerno ng Aklan sa
patuloy na pagbisita ng mga cruise ship sa isla ng Boracay.
Samantala, kinumpirma naman ng DOT na mahigit sa sampung mga cruise
ship ang dadayo sa isla ng Boracay ngayong taong 2014.
No comments:
Post a Comment