Pages

Tuesday, January 14, 2014

Mga turista sa Boracay, pinag-iingat ng PCG dahil sa malakas na alon

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Pinag-iingat ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) Boracay ang mga turista dahil sa malakas na alon.

Ito’y dahil sa Low Pressure Area (LPA) na nararanasan ngayon sa bansa.

Ayon kay PCG-Boracay Asst. Sub-Station Commander Roque Borja.

Nararapat na iwasan ng mga turistang mag-island hopping at pumunta sa mga malalayong bahagi ng isla para maiwasan ang aksidente.

Dahil din kasi sa nararanasang LPA kung kaya’t pansamantalang ipinatigil ang byahe ng mga bangka kagabi.

Samantala, una namang pinayuhan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga gumagamit ng maliliit na sasakyang pandagat na iwasan ang pagpapalaot.

Huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 70 kilometro sa timog kanluran ng Cagayan de Oro City. 

No comments:

Post a Comment